J O K E S !!!

 

More Pinoy Humor

ano ang sinabi ni 0 kay 8? - bakit ka naka belt?

ano ang sinabi ni 6 kay 9? - tabi tayo.

ano ang sinabi ni 0 kay Q? - bastos mo, mag-brief ka nga!

ano ang sinabi ni 3 kay 1? bakit wala kang boobs?

ano ang hayop na hindi sigurado? – baka

ano ang hayop na pinuputol? – cat

ano naman ang na-uuntog? – dog

ano naman ang laging ayos? – ox

eh ano naman ang hayop na pangit? - cow

dad, why did you name me Conrado Domingo?

now my friends call me condom.


Tatay na Mayabang
     Ako'y tunay na natutuwa sa aking panganay na lalaki. Nagtapos ng Business
     Administration sa UP at mayroong MBA galing sa Harvard. Ngayon, e Presidente siya ng
     isang malaking Corporasyon. Sa yaman niya, e, binigyan niya ng isang Mercedes at isang
     BMW yung isang kaibigan niya.

Tatay na Mayabang Rin
     Ako'y galak na galak sa bunso kong lalaki. Nagtapos ng Medicina sa UP-PGH at nag
     Residency sa Sloan Kettering. Ngayon, e Director for Research siya at kandidato para sa
     Nobel Prize. Mayaman din siya. Biro mo, yung isang kaibigan e binigyan niya ng
     apartment sa 5th Avenue sa Manhattan.

Tatay na Nahihiya
     Ako'y medyo disappointed dito sa kaisaisa kong lalaki. Nangyari pa e bakla at binabae.
     Hindi bale nang malandi, e kung sino-sino pang lalaki ang mga kinkasama. Hairdresser
     siya pero mukha namang mahusay makisama. Yung kaniyang BMW at Mercedes, at
     yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue e bigay lahat ng mga "boypren"
     niya.


Nagbabakasyon sa isang "cruise ship" yung isang pamilyang banyaga. Sa kalikutan nung isang
kasama nilang bata ay nahulog siya sa tubig. Balisang-balisa ang ina at walang ibang magawa
kundi sumigaw ng paulit-ulit - "Please help my child! He fell overboard! Someone... Anyone...
Please help my child!". Lumipas ang ilang sandali - wala pa ring kahit na sinong nagtangkang
sumagip sa bata.

Bigla na lang, buhat sa isang mataas na purok nung "cruise ship", isang Filipino crewman ang
nakitang naka "swan dive" papunta sa malalim na tubig. Sa taas ng kaniyang pinanggalingan,
mahigit na ilang sandali ang lumipas bago lumusong sa tubig yung "Filipino crewman". Ilang
sandali muli ang lumipas bago nakita ng lahat na pumangibabaw sa tubig ang ulo ng "Filipino
crewman". Palakpakan ang lahat na nakatingin. Lumangoy ang "Filipino crewman" at
pinuntahan at sinagip ang nagpupumiglas na bata. Maatikabong palakpakan mula sa lahat ng
nanunuod.

Sa madaling sabi, naibalik ang nasagip na bata at ang ating magiting na "Filipino crewman" sa
"cruise ship" at madaling naharap sa isang reporter ng 6:00 news sa isang "live interview".

Ipinahayag nung reporter: "You are a true hero - having saved the life of another human
being. Is there anything you wish to say to the thousands currently viewing the news?"

Sagot nung "Filipino crewman": "Putragis na mga yun! Papatayin ko silang lahat pag
nalaman ko kung sino yung mga tumulak sa akin!"


Nagkukwento yung isang kaibigan kong "machong macho"...

Noong inutusan ako ng Misis ko na maglaba na raw ako, sinigawan ko siya "Hindi ako
maglalaba!".

Pagkatapos ng ilang minuto ay inutusan ulit ako'ng maglaba. Galit akong sinigawan ko ulit
siya "Sabi na sa 'yong hindi ako maglalaba! Ang ulit ulit mo naman!"

Tinanong tuloy noong Misis... "E bakit ba ayaw mo'ng maglaba?"

Sagot noong macho kong kaibigan: "Eh, hindi pa ako tapos ng aking pagpaplantsa!"


Tuwang-tuwa at parating pinagmamalaki nung Monsignor yung kaniyang alagang loro.
Wika nung Monsignor, "Itong aking loro ay hindi lang napakagaling magsalita kundi
napakabanal pa! Kapag aking hinigit yung kadena sa kaniyang kaliwang paa, siya'y
magsasalita ng buong dasal ng Ama Namin. Kapag akin namang hinigit yung kadena sa
kaniyang kanang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Aba Ginoong Maria."

Tanong nung isang aleng nakikinig, "Monsignor, kung sabay mong hatakin yung kadena sa
kaniyang magkabilang paa, ano ang kaniyang isasalita?"

Sagot nung Monsignor, "Sapagkat hindi ko pa naisipang gawin yang itinatanong mo, purbahan
natin ngayon!" at sabay na hinatak nung Monsignor ang kadena sa magkabilang paa nung
loro.

Biglang nagsalita yung loro... "Putang ina naman, Padre, mahuhulog ako diyan sa ginagawa
mong 'yan, eh!"


Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong
at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong
unang gagawin?" Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!" Wika nung Doktor,
"Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."

Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung
Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng
pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng
trabaho upang mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng
trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang
mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."

Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang
Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Aba,
Doktor, kami po ay mag-hahanimun!" Bilib na naman ang Doktor.

Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at
titiradorin ko ang buwan!"


May dalawang bingi na nagkita sa kalsada.

Napansin nung unang bingi na yung ikalawang bingi ay may dalang bayong.

Bati nung unang bingi - "Mamalengke ka?"

Sagot nung ikalawang bingi - "Hindi, mamalengke ako..."

Sabi nung unang bingi - "Ah... akala ko, mamalengke ka..."


Gentleman: Gusto mo ng mani na pulutan?

Lady: No thank you, tinatagihawat ako sa mani, e.

Gentleman: Ganoon ba? Buti na lang ako sa mukha lang!


Bagong salta sa America, yung Pinoy ay gustong mag-long distance sa Pilipinas kaya dinayal
yung "0 for Operator".

Operator: AT&T. How may I help you?

Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis.

Operator: Name of the party you're calling?

Pinoy: Aybegyurpardon? Can you repit agen plis?

Operator: What is the name of the person you are calling?

Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu.

Operator: Please spell out the name of the person you're calling phonetically.

Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali?

Operator: Please spell out the letters comprising the name a letter at a time and citing a word
for each letter.

Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Da name of Elpidio Abanquel is Elpidio Abanquel. I will spell his name
foneticali. Elpidio: E as in Elpidio, L as in lpidio, p as in pidio, i as in idio, d as in dio, i as in io
and o as in o.

Operator: Sir, can you please use English words.

Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Abanquel: A as in Airport, B as in Because, A as in Airport agen, N as
in... Enemy, Q as in... Cuba, U as in... Europe, E as in... Important and L as in... Elephant.


Matagal nang naghahanap ng trabaho yung bagong saltang Pinoy. Nakakita siya ng posibilidad
sa "Help Wanted" section ng Classified Ads. "Wanted - Painter of Porch". Aba!, sabi nung Pinoy
sa sarili... OK ito! Sa Pilipinas, e marami na akong pininta; yung libingan ng lolo ko, yung
pader ng lumang bahay namin, yung kulungan ng mga baboy ng tiyo ko - pwede palagay ko
ako rito!

In-explain nung Kano na nangangailangan ng pintor: "I need to have my porch painted, all in
one day. The work involves scraping all the paint up to the bare surface, applying a coat of
primer and two final coats of orange paint. Can you do this?"

Sagot nung Pinoy nung ininterbyu siya ng Kano... "Sir, yes sir. I can kaskas... I mean, remoob
paint en apply paint beri well."

"Okay!", sabi nung Kano. "You've got the job! Everything you'll need has been unloaded from
the trunk of the car."

Tatlong oras pa lang, narining na nung Kano na kumakatok yung Pinoy sa pinto niya. "Sir...
Pinis oreydi".

"Wow!" sabi nung Kano. "You finished the job in three hours. Are you sure you scraped the old
paint to the bare surface?"

"Sir, yes sir. I tanggalated all the old paint." sagot nung Pinoy.

"Then, you deserve a bonus! Here's another 20 bucks." sabi nung Kano.

"Sir, tenkyu sir." wika nung Pinoy. "Pero sir, you don't heb a porch... your car is a
BMW..."

 



Arceta Homepage  · Don's Page  · Aiza's Page · Sean's Page · Family Photo Album · Relatives and Friends Album · Christmas Party 2002 · Family Slideshow ·